Twitxy Saved

Gretchen Ho

@gretchenho

Woman-In-Action. The best way to learn and make a difference is to engage with the world. ๐Ÿ‘ฃโœ๐Ÿป๐ŸŒ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
Manila, Philippines youtube.com/GretchenHoOffiโ€ฆ Joined April 2011
1.9K Following 851K Followers 57K Posts

Latest posts 5

Gretchen Ho @gretchenho
#Fab5: Tandang-tanda ko pa rin ang mga panahon na wala tayong ibang alam gawin at pangarapin kundi mag volleyball lamang.

Umikot at umikot na ang mundo, pero tayo umikot lamang ang utak at katawan, kakaisip kung paano mananalo, at kakahabol ng mga bola sa mga pa-one-man.

Paano ba naman, ang liliit natin, ikumpara mo sa nagtatangkarang mga kalaban. Ang meron lang tayo โ€” liksi, talino, kapal ng mukha, at tapang. Pero kapag ipinagsama-sama, nagiging buo ang lakas, at nararating ang halos imposible.

Iba-iba man ang ating personalidad, at may kanya-kanyang hulog, hinubog naman tayo nang husto ng ating iisang hangarin โ€” ang magiwan ng marka sa gitna ng laban.

We are blood sisters. Bound by the same battlescars, carrying the same story, and sharing a moment in Philippine and Ateneo volleyball history. Lumipas man ang panahon, magkatampuhan man tayo o magkalayo, hindi na mabubuwag ang pagiging magkapamilyaโ€™t magkapatid na binuo ng pagkakataon at kapalaran ๐Ÿ™๐Ÿป

Maraming salamat #PilipinasLive for this feature, and to @AlyssaValdez2 for being the interviewer this time around! Watch this episode on Season 2 of ACES on the @PilipinasLive App!

Missing our #Fab5 teammate, Aillysse Nacachi, who is in Japan!!๐Ÿ‡ฏ๐Ÿ‡ต